Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month, iginawad ng pamahalaang lungsod ang Gawad Tandang Sora 2023 kay Ms. Sonia Roco.
Si Mrs. Roco ay ang dating presidente ng Women in Nation Building (WIN) na may layon na tugunan ang iba-ibang isyu na kinakaharap ng mga kababaihan. Siya rin ang co-founder ng St. Michael’s Hospice na tumulong sa mga mahihirap na may sakit.
Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Councilors Kristine Matias, Doc Ellie Juan, Banjo Pilar, Vic Bernardo, at Vito Sotto-Generoso. Kasama rin sa okasyon ang Barangay Tandang Sora officials sa pangunguna ni PB Marlou Ulanday at D6 Action Officer Atty. Mark Aldave.
Ang Gawad Tandang Sora ay ibinibigay sa mga kababaihan na nagpamalas ng mga katangian at values ng bayaning si Melchora “Tandang Sora” Aquino.