Alinsunod sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte na maghigpit sa pagpapatupad ng mga ordinansa kaugnay sa minimum health standards gaya ng hindi pagsusuot ng face masks at mga lumalabag sa General Community Quarantine (GCQ) protocols, umabot sa 116 ang natiketan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ng Task Force Disiplina ni Ginoong Rannie Ludovica hanggang kaninang alas-dose ng tanghali.

Dalawa ang natiketan at pagmumultahin sa Novaliches, 34 sa Commonwealth, 10 sa Agham-NIA Road-Kalayaan, 13 sa Batasan, 14 sa Visayas Avenue, 30 sa Cubao at 13 sa Fairview.

Sa ilalim naman ng pamumuno ni QCPD District Director Danilo Macerin, mas pinaigting rin ng pulisya ang pagsita at paniniket sa mga lumalabag sa mga ordinansa.

Sa Bgy. Holy Spirit, walo ang natiketan ng OVR ng Police Station 14 sa ilalim ni PLTCOL Jeffrey Bilaro,dahil walang face mask o mali ang suot ng face mask at paglabag sa public safety hours. Sampu rin ang nahuli ng mga tauhan ni PLTCOL Hendrix Mangaldan, habang apat ang tineketan ng grupo ni PLTCOL Christine Tabdi sa Bgy, Talipapa,

Mas dinalasan rin ng mga pulis ang pagpapatrulya gaya ng ginagawa ng tropa nina PLTCOL Romulus Gadaoni at PLTCOL Mel Rosales para tiyaking walang lumalabag sa mga ordinansa lalo na’t tumataas ang bilang ng tinatamaan ng Covid-19 sa Metro Manila.