Muling bumisita si German Ambassador Anke Reiffenstuel at Mayor Joy Belmonte sa mga babaeng person deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Jail Female Dormitory (QCJFD) ngayong araw.
Bilang pasasalamat kay Ambassador Anke na itatalaga na sa ibang bansa, sumayaw at kumanta ang mga PDL at personnel ng QCJFD.
Ipinakita rin kay Ambassador Anke ang KyusiFED livelihood kung saan matatagpuan ang mga handcrafted products ng mga PDL, ang mga pasilidad tulad ng Mother and Child area, ang mga classroom at library, at ang kabubukas lamang na Child-friendly visitation area.
Dumalo rin sa programa sina JSupt. Emmanuel A. Tolentino, City Jail Warden JSupt. Maria Monteron, Spark! Philippines Executive Director Maica Teves, at GAD TWG head Janete Oviedo.