Ngayong buwan ng mga kababaihan, binisita ni German Ambassador Anke Reiffenstuel ang mga babaeng persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Female Dormitory (QCFD).
Nagsagawa ng konsultasyon sina Ambassador Reiffenstuel at ang Political Counselor ng German Embassy na si Mr. Alexander Schmidt sa mga opisyal ng QCFD at PDLs.
Kasama rin sa konsultasyon sina JSupt. Maria Ignacia Monteron, Spark Executive Director Maica Teves, at Janete Oviedo ng Office of the City Mayor. Namahagi din sila ng hygiene kits para sa 600 PDLs.
Ang gift-giving ay bahagi ng ‘No Woman Left Behind’ program ng lungsod Quezon kung saan binibigyan ng pagkakataon at oportunidad ang mga PDL na magkaroon ng access sa healthcare, makapag-aral sa tulong ng Alternative Learning System, at matuto ng iba-ibang livelihood skills.