Dahil Disyembre na, puspusan na ang pamimigay ng pamaskong handog ng Quezon City Government!
Aabot sa 4,830 QCitizens na miyembro ng Joy Belmonte Volunteers Movement (JBVM) ang nabigyan ng maagang pamaskong handog mula sa lokal na pamahalaan ngayong araw.
Mismong si Mayor Joy ang nag-abot ng pamaskong handog sa JBVM mula sa District 2 at District 5. Kasama rin ng alkalde sina District 5 Rep. PM Vargas, District 2 Action Officer Bong Teodoro, District 5 Action Officer William Bawag, at mga opisyal ng barangay.