Lubos na nagpapasalamat ang Quezon City Government kay Mr. Piolo Pascual, Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, Ang Probinsyano Partylist sa pangunguna ni Rep. Alfred Delos Santos, at Surge Fitness + Lifestyle para sa ibinigay nilang regalo sa mga QCitizen persons with disability.
Kahapon, limang children with disability (cerebral palsy) ang nabigyan ng bagong customized wheelchair. Nasa 100 persons with disability rin ang nakatanggap ng food packs at regalo.
Layon ng aktibidad na matulungan ang mga residente mula sa pinaka nangangailangang sektor na magkaroon ng assistive devices na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Pinaunlakan din nina Majority Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Aiko Melendez, at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay ang gift-giving activity.