Nagsagawa ng one-day basketball clinic ang Gilas Women’s Team sa Amoranto Basketball Court bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Nilahukan ito ng 40 na batang babae na may edad 11 pababa mula sa iba-ibang barangay sa QC.
Pinangunahan ni Head Coach Patrick Aquino ang aktibidad kasama sina Assistant Coach Ramon Garcia, Aileen Lebornio, at Paolo Gorospe.
Nagturo naman ng drills and skills ang mga Gilas player na sina Jack Animam, Andrea Tongco, Ava Fajardo, Monique del Carmen, Stef Berberabe, Afril Bernardino at Camille Nolasco.
Bukod sa training ay namahagi rin si SBP Gilas Women’s Coordinator Coach Hazel Yambot ng basketball shoes sa mga kabataan.
Nagpapasalamat po ng lubos ang Lungsod Quezon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Gilas Women’s Team sa kanilang pakikiisa sa paggunita ng Women’s Month. Tuloy tuloy ang suporta ng lungsod sa inyong mga paghahanda at pageensayo para sa mga nalalapit na laban sa ibang bansa.