WOMEN POWER! ✊

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng Girls’ Month 2024 na inorganisa ng Spark! Philippines at idinaos sa Gateway Cineplex.

Ayon sa Alkalde, mahalagang ma-expose ang mga kabataan sa iba-ibang industriya upang mapili nila ang kanilang ninanais na trabaho kalaunan.

Hinikayat din ni Mayor Joy ang mga kabataan na tangkilikin ang QC Internship Program upang matutunan ang pamamalakad ng lokal na pamahalaan.

Important life advice at patuloy na pagkamit ng mga pangarap ang tinalakay ng mga beauty queens na sina Angelica Lopez at Myrna Esguerra sa Girls’ Rights Forum.

Usaping gender equality, social media, at women leaders naman ang talakayan sa Future of Diplomacy Forum na dinaluhan nina U.S. Embassy – Public Engagement Director Della Harreland, New Zealand Embassy Amb. Catherine Mcintosh, Finland Embassy Amb. Saija Nurminen, Ireland Embassy Amb. Emma Hickey, at Embassy of Romania Amb. Raduta Matache.

Dumalo rin sa programa sina Swiss Embassy Amb. Nicolas Bruhl, Spark! Executive Director Maica Teves, J. Amado Araneta Foundation Executive Director Christine Romero, at Atty. Karen Jimeno.

#TayoAngQC

#QC85th

#GirlsMonth2024

+52