Hey! WASHup, WASHup! 🧼

Nakiisa ang mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Global Handwashing Day sa pamamagitan ng pagpapakita ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto kasama ang mga konsehal at department heads ang wastong paghuhugas ng kamay sa hand hygiene facilities sa QC Hall katuwang ang Manila Water Foundation at City Health Department.

Lumagda rin si Vice Mayor Gian sa Global Handwashing Day pledge board bilang suporta sa kahalagahan ng hand hygiene. Makikita rin ang iba-ibang booth mula sa mga partners; P&G Safeguard Philippines, PHILUSA Corporation, Kalinisan Chemicals Corporation, at QC Essentials ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.