Bilang bahagi ng selebrasyon ng Global Handwashing Day, namahagi ng handwashing facilities ang Maynilad sa Esteban Abada Elementary School kasama ang QC Health Department. Layon nitong i-promote ang proper handwashing sa mga mag-aaral ngayong face-to-face classes at maiwasan ang anumang uri ng sakit.
Nakiisa rin sina Vice Mayor Gian Sotto bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, Councilor Charm Ferrer, Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose Corpuz, at Ramoncito Fernandez, President and CEO ng Maynilad.
Nagsagawa din ng lectures ang District 1 Health Office ng QCHD ukol sa oral health at wastong pagkain at nutrisyon.