Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC Youth Delegates bound for Korea!
Nag courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga kabataang delegado ng Quezon City na lalahok sa Global I.T. Challenge 2025 sa Korea.
Ang mga delegado ay mga kabataang may kapansanan mula sa pampublikong paaralan, na suportado ng pamahalaang lungsod.
Mula sa Local I.T. Challenge na inorganisa ng QC Persons with Disability Affairs Office hanggang sa National I.T. Challenge, ipinakita ng mga kabataan ang kanilang husay, tiyaga, at determinasyon sa larangan ng Information Technology.
Kasama sa nagbigay suporta ang QC PDAO na pinamumunuan ni Ms. Debbie Dacanay.
Good luck sa ating mga kabataang QC!






