CONGRATULATIONS TEAM QC!
Nag-uwi ng dalawang GOLD MEDAL at apat na BRONZE MEDAL ang Team Quezon City sa Global IT Challenge 2025 for Youth with Disablilities sa South Korea.
Gold (1st Place) — Best Award, E-Creative Smart Car Category
Participants:
Hailey Pontanal (Visual Disability)
Ken Mendres (Learning Disability)
Sa kategoryang ito, sinuri ang kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng Scratch program upang mag-disenyo at gumawa ng program para sa pagpapagana ng isang self-driving na smart car.
Bronze (3rd Place) — Good Award, IoT Category
Participants:
Hailey Pontanal (Visual Disability)
Ken Mendres (Learning Disability)
Sinuri sa kategoryang ito ang kakayahan ng grupo na bumuo ng mga IT-based o mga assistive concepts na naglalayong mapabuti ang accessibility para sa mga taong may kapansanan.
Bronze (3rd Place) — Good Award, E-Content Category
Participants:
Jhinel Miqaella Trillanes (Visual Disability)
Jaime Dismaya (Learning Disability)
Sa kategoryang ito, sinukat ang kanilang kakayahan na makagawa at makapag-edit ng malikhaing video content na nakatuon sa mga partikular na tema o paksa.
Mabuhay kayo! Proud ang Quezon City sa inyong tagumpay.




