Ikinalugod ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng mga kinatawan ng Global Research Alliance of Jesuit Universities, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng lokal na pamahalaan at mga academic institution para sa data-driven at evidence-based policymaking.
Kabilang sa mga dumalo sina Ateneo de Manila University Vice President for Higher Education Dr. Maria Luz Vilches at Fordham University Chief Research Officer at Associate Provost for Research Dr. Z. George Hong.
Sa pulong, ibinahagi ng Quezon City Government ang ilang data-driven policies mga polisiya upang masigurong napapanahon, epektibo, at tunay itong tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pamahalaan at akademya, mas napapalakas ang paggawa ng mga polisiyang nagdudulot ng konkretong pagbabago at mas maayos na serbisyo para sa bawat QCitizen.








