Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at City Health Officer Dr. Ramona Abarquez ang parangal para sa Quezon City bilang Global Self-Reliant City sa Family Planning at Adolescent Health!
Ang parangal ay pagkilala sa natatanging pamumuno at pakikiisa ng lungsod sa pagbibigay ng accessible at angkop na mga serbisyo sa family planning.
Patuloy na pinalalakas ng Quezon City Government ang mga pamilya at kabataan sa pamamagitan ng mga programa at inisyatiba para sa family planning, adolescent sexual and reproductive health.
Iginawad ang parangal ng The Challenge Initiative (TCI) at Zuellig Family Foundation bilang pagkilala sa QC.









