QC IS FUTURE-READY! 🚀

Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga positibong pagbabago sa Lungsod Quezon at mga inklusibong programa ng lokal na pamahalaan sa naganap na Globe Insights Summit 2024.

Bilang speaker ng taunang summit, inihayag ni Mayor Joy ang mga iba-ibang stratehiya at proyekto ng QC sa ilalim ng kanyang administrasyon. Bahagi nito ang layunin ng QC upang maging “smart city,” social services para sa lahat, green and environmental-friendly programs, digitalization ng mga proseso ng City Hall, at tapat na pamamahala.

Ibinida rin ng alkalde ang mga economic recovery at livelihood programs para sa QCitizens at mga entrepreneurs, ang buong suporta ng lokal na pamahalaan para sa LGBTQIA+ community, women empowerment, at sa sektor ng edukasyon.

Dumalo rin sa summit sina Globe Telecom President and CEO Ernest Cu, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto, Former NEDA Secretary Karl Chua, Globe Customer Intelligence Vice President Mai Marcelo, at QC Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia.

+12