Sa QC, pati ang ating mga lolo at lola, techie!

Naging katuwang ng pamahalaang lungsod ang Globe Group sa paglulunsad ng programang “Teach Me How to Digi” #SeniorDigizen learning session para turuan ang mga senior citizens ng mga digital skills tulad ng pag-access sa iba-ibang platforms tulad ng GCash at KonsultaMD.

Nais ng programa na maging handa ang mga senior citizens tungo sa ‘fully digitized future’ at bigyan sila ng kaalaman ukol sa makabagong teknolohiya.

Nakiisa sa okasyon sina City Administrator Michael Alimurung, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at National Commission of Senior Citizens chairperson Atty. Franklin Quijano.

+24