Pormal nang binuksan ang bagong basketball court na may detention basin sa Gloria 2 Subdivision sa Barangay Tandang Sora.
Bukod sa pagiging recreational facility, dinisenyo ang covered court bilang isa sa mga tugon ng lokal na pamahalaan sa pagbaha sa komunidad.
Mayroong detention basin sa ilalim ng court na magsisilbing pansamantalang imbakan ng tubig-ulan. May kapasidad ito na katumbas ng halos kalahati ng isang Olympic-sized swimming pool.
May dalawang water harvesting tanks din na kayang mag-imbak ng mahigit 15,000 liters ng tubig. Ifi-filter ito, para magamit na pandilig sa halaman o panlinis sa mga kagamitan at pasilidad.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inauguration ceremony ng pasilidad, kasama sina City Engineer Atty. Dale Perral, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at konseho ng Barangay Tandang Sora, at HOA ng Gloria 2.










