TRABAHO AT NEGOSYO PARA SA QCITIZENS! ![]()
Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa naganap na Go Negosyo 3M on Wheels: Trabaho at Negosyo na idinaos sa M.I.C.E Center ng City Hall ngayong Sabado bilang pagtatapos ng selebrasyon ng QC MSME Week 2026.
Sa talumpati ni Mayor Joy, biningyang-diin niya na patuloy ang suportang matatanggap ng mga maliliit na negosyo sa QC, dahil ito ang susi para sa kaunlaran ng lungsod.
Kasabay ng programa ang job fair na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office at bazaar tampok ang iba-ibang negosyo, kumpanya, at government offices sa bansa.
Sumalang din sa face-to-face mentoring ang mga QC-based entrepreneurs na naglalayong gumabay para sa patuloy na kaunlaran ng kanilang mga negosyo.
Kasama sa programa sina Councilor Charm Ferrer, Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap, Philippine Chamber of Commerce and Industry – QC President Anne Marie Francisco, Airspeed Chairwoman and founder Rosemarie Rafael, Kangkong King CEO Frank Gaw, at Transform Media PH CEO Jordan Patente.










