Ligtas ka sa QC! ![]()
![]()
Sa pangalawang pagkakataon, ginawaran ang Quezon City ng Gold Award bilang Most Bike-Friendly City sa naganap na Mobility Awards.
Ito ay dahil sa pagsulong ng Lungsod sa paggamit ng bisikleta bilang na transportasyon. Pinatunayan din nito ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang mga siklista sa pamamagitan ng paggawa ng mga proyekto at polisiya.
Nakatanggap din ng 1st Silver Award ang QC sa Pedestrian-Friendly City Category. Ito ay pagkilala sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan para sa naglalakad sa rito, gaya ng malalawak at patag na sidewalks, ligtas na tawiran, slow-speed zones, at pedestrian-prioritized school areas.







