ICYMI: Muling ginawaran ang Quezon City ng Gold Award bilang Most Bike-Friendly City sa ginanap na Mobility Awards.
Pagkilala ito sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para isulong ang paggamit ng bisikleta at pagtitiyak na nabibigyan ng pagpapahalaga ang kaligtasan ng mga siklista sa lungsod.
Nakatanggap din ng 1st Silver Award ang QC sa Pedestrian-Friendly City Category. Pagkilala naman ito sa mga inisyatiba ng lungsod para sa kaligtasan ng mga naglalakad gaya ng malalawak at patag na sidewalk, ligtas na tawiran, slow-speed zones, at pedestrian-prioritized school areas.
Congratulations, QC!![]()




