Iginawad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang GOLD Seal of Protection sa Lungsod Quezon sa ginanap na Pagpupugay ng mga Kaagapay ng GSIS: The 2025 Seal of Protection Awarding Ceremony.
Kinilala rin si QC General Services Department head Fe Bass para sa suporta ng GSD sa mga layunin ng GSIS.
Patuloy ang dedikasyon at pagsisikap ng QC, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, na maprotektahan ang mga ari-arian ng lungsod at mapalakas ang serbisyo sa QCitizens.







