Nakikiisa ang Quezon City sa ika-50 anibersaryo ng pagkakaibigan ng mga Filipino at Chinese! ![]()
Ngayong Huwebes, pormal nang binuksan ang Golden Ties of Friendship: Kaalaman, Kaunlaran, Kasayahan, isang 3-day cultural festival bilang paggunita sa ugnayan ng mga Pilipino at Tsino.
Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga dumalo sa pagdiriwang, kasama sina former Sen. Nikki Coseteng, Malasakit at Bayanihan Partylist Rep. Girlie Veloso, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at QC LEDIPO Head Jay Gatmaitan.
Makikita ang cultural festival sa The Atrium ng Fisher Mall. Bukas ito hanggang sa Sabado, October 4, 2025.
Mayroon ditong cultural dances at fashion show, cooking demos, wellness talks, at mga exhibit na nagpapakita ng makulay at mayabong na pagkakaibigan ng Pilipinas at China.








