Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Aabot sa 300 QCitizen kids ang tinuruan ng green at healthy practices sa ginanap na Good Food Fiesta 2.0. ![]()
![]()
Nakiisa ang mga bata sa iba-ibang aktibidad na nakatuon sa healthy eating habits. May storytelling din na layong maibahagi sa kanila kung paano mapapangalagaan ang kapaligiran.
Tinuruan naman ang kani-kanilang mga magulang at guardian kung paano maghanda ng masustansyang pagkain para sa kanilang pamilya.
Ang Good Food Fiesta 2.0 ay inorganisa ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), sa pakikipagtulungan sa QC Health Department, Social Services Development Department, at Quezon City Public Library.










