Malugod na tinanggap ng pamunuan ng Governance Commission for Government-owned or Controlled Corporations (GCG) si Mayor Joy Belmonte para sa kanilang Flag-raising Ceremony ngayong araw.

Nanguna sa ceremony sina GCG Chairperson Atty. Marius Corpus, Commissioner Atty. Brian Keith F. Hosaka, at Commissioner Atty. Geraldine Marie Berberabe-Martinez.

Binigyang-diin ni Mayor Joy na importante ang pagkakaroon ng Diversity, Equity, at Inclusion (DEI) sa workplace policies at mga programa ng pamahalaan.

Kabilang sa mga binanggit ng alkalde ay ang mga inisyatibo ng lungsod sa gender equality at anti-discrimination.

+21