Mainit na pagbati, batch 2025-2026 graduates! ![]()
![]()
Daan-daang kabataang QCitizens ang nagsipagtapos sa elementarya, junior high school, at senior high school.
Kabilang dito ang mga mag-aaral mula Eulogio Rodriguez, Jr. High School sa District 1, at Ponciano Bernardo High School at Tomas Morato Elementary School sa District 4.
Malugod silang binati nina Coun. TJ Calalay at Coun. Vincent Belmonte, bilang mga kinatawan ni Mayor Joy Belmonte. Nagpadala naman ng mensahe sina Department of Education Secretary Sonny Angara, Vice Mayor Gian Sotto, at District 1 Rep. Arjo Atayde.
Dumalo rin sa mga graduation at moving up ceremonies sina District 4 Rep. Bong Suntay at Coun. Nanette Castelo-Daza.
Sa QC, aabot sa 47,015 mag-aaral ang nakatakdang magtapos ngayong Marso.








