CONGRATS, NEW GRADUATES!
Umabot sa 25 na deaf and hard of hearing ang nagsipagtapos sa 10-day Barista Course na pinangasiwaan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Quezon City Skills & Livelihood Foundation Inc (QCSLFI).
Natutunan nila sa upskilling course ang basics ng pagba-barista mula sa paggawa ng iba-ibang kape, latte art, at brewing.
Ipinangako ni Mayor Joy Belmonte na buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa graduates upang magkaroon sila ng oportunidad na magkatrabaho.
Hinimok din ng alkalde na tangkilikin nila ang Pangkabuhayang QC program upang magkaroon ng pangkapital sa mga nais mag-umpisa ng sariling negosyo.
Mula 2010, umabot na sa 19,500 ang graduates ng upskilling courses ng QCSLFI.
Dumalo rin sa graduation ceremony sina PDAO head Debbie Dacanay, QCSLFI OIC Valerie Bernardino, at Russel Serano ng Cabalen Group of Companies.




