Congratulations sa 300 QCitizen Rainbow Graduates!
Ngayong araw, buong-buo at malayang nagsipagtapos ang QCitizens na miyembro ng LGBTQIA+ community sa ginanap na Graduation Rights ceremony sa QC M.I.C.E. center.
Sa Graduation Rights, nag-martsa ang mga rainbow graduates nang makulay, malaya, at suot ang damit na kanilang gusto at naaayon sa kanilang pagkakakilanlan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na patuloy ang paninindigan at panawagan ng lungsod para sa pagkakapantay-pantay lalo na sa edukasyon.
Layon ng Quezon City na tanggapin ang buong pagkatao ng estudyante.
Nagsilbing keynote speaker si Akbayan Partylist Rep. Percy Cendaña sa seremonya.
Nagbigay din ng kanilang mensahe sina Rainbow Queen 2024 3rd Runner-up Ms. Gib Gib Gabiana, Henson Wongaihan ng Ad Hoc Marketing, at Bryan Cesar Asiatico.




