March with pride rainbow graduates!
Umabot sa 394 ang nakiisa sa Graduation Rights Ceremony na ginanap sa QCX Museum ngayong araw.
Ito ay espesyal na araw para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magbihis at mag-ayos ng naaayon sa kanilang kagustuhan.
Ang pangalan sa kanilang matatanggap na diploma ay kung anong gusto nilang ilagay dito.
Ibinahagi ni Kaladkaren ang kanyang mga karanasan noong siya ay estudyante at kung paano siya nangarap. Siya ang pinakaunang transwoman anchor sa bansa.
Naging panauhing pandangal nila si Mayor Joy Belmonte, kasama sina Coun. Aly Medalla, Coun. Eli Juan, Dr. Heidi Ferrer ng QC Schools Division, District 1 – 6 Action Officers, at mga kinatawan ng departamento ng lungsod.