Another gold award for QC! ![]()
Ginawaran ng Gold Trophy sa 2025 Panata Awards ang “Graduation Rights” ng Quezon City Government at Ad Hoc Marketing, sa kategoryang Championing Responsible and Creative Brand Building: Best Showcase for On-Ground Activation.
Ginanap ang Panata Awards sa Fairmont Makati noong November 14, 2025. Ito ay taunang isinasagawa ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) para kilalanin ang mga proyekto at advertisers na naninindigan sa “The PANA Vow” — isang panata ng katapatan, consumer respect, cultural relevance, at integridad sa bawat kwentong inilalahad.
Layon ng Graduation Rights na makapagmartsa ang LGBTQIA+ QCitizens nang malaya, suot ang damit na kanilang gusto at naaayon sa kanilang nais na pagkakakilanlan.
Patunay lamang ito ng patuloy na pagsusulong ng lungsod Quezon ng pagkakapantay-pantay ng lahat, maging sa larangan ng edukasyon.




