Nakiisa ang mga QCitizen sa Grand Enthronement Rites ng Our Lady of the Most Holy Rosary, La Naval de Manila sa Sto. Domingo Church.
Ito ang hudyat ng pagsisimula ng kapistahan ng La Naval de Manila. Mula October 3 hanggang 11, magkakaroon ng novena masses habang sa October 12 naman ang Feast Day.
Noong 1973, sa bisa ng City Resolution 9645-S73, idineklara ng Quezon City Government ang La Naval de Manila bilang patron ng lungsod.








