Ramdam ang pananampalataya ng mga taga-La Loma sa idinaos na Grand Procession at Misa Mayor para sa Kapistahan ng Nuestra Señora de Salvacion de La Loma bilang bahagi ng La Loma Lechon Festival 2026.
Tampok sa makulay na prusisyon ang mga karosa na nagbigay-buhay sa debosyon ng komunidad. Kasabay nito, sama-samang naglakad ang mga residente at deboto bilang pagpupugay sa kanilang patrona.
Nagkaisa rin ang komunidad sa panalangin at pasasalamat para sa patuloy na biyaya, kasaysayan, at tagumpay ng industriya ng lechon na naging mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng lugar.
Kasamang dumalo sa Misa Mayor sina Coun. TJ Calalay, Coun. Joseph Juico, Coun. Charm Ferrer, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at iba pang city officials bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng pananampalataya at kultura ng komunidad.









