Congratulations, GM Joey!![]()
![]()
Nag-uwi ng gintong medalya ang QCitizen na si Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr. matapos tanghaling KAMPEON ng 50+ category ng FIDE World Senior Blitz Chess Championship 2025 sa Gallipoli, Italy.
Nakamit ni GM Joey ang ginto matapos magkaroon ng tie-breaker sa pagitan niya at kapwa Pilipinong si FIDE Master Mario Mangubat, at International Master Alexander Reprintsev ng Ukraine.
Isa rin si GM Joey sa mga binigyan ng pagkilala sa 23rd Manuel L. Quezon Gawad Parangal kahapon dahil sa kanyang tagumpay sa iba-ibang international chess competitions, at pagiging 13-time Philippine Open Champion.
Nitong Setyembre, nag-courtesy call pa si GM Joey kay Mayor Joy Belmonte matapos niyang tanggapin ang espesyal na pagkilala mula sa 23rd City Council.
Mabuhay ka, GM Joey! Saludo ang Quezon City sa iyong tagumpay!




