Iniulat ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang environment-friendly programs at climate action initiatives ng Lungsod Quezon sa naganap na Green Sector Forum meeting 2024 na pinangasiwaan ng Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) Philippines.
Sa kanyang keynote speech, binigyang-diin ni Mayor Joy na mahalaga ang partisipasyon ng buong lokal na pamahalaan, mga komunidad sa QC, barangay, private and youth sector, at civil society organizations upang maipatupad ang mga green programs sa lungsod.
Ibinida ng alkalde ang mga proyekto ng QC tulad ng pagkakaroon ng green fleet o ang pagtransition ng mga city-owned vehicles sa E-vehicles, ang QC Bike Lane Network, at QCity Bus.
Bahagi ng tinalakay ay ang Green Building Ordinance at solarization project na ipinatutupad sa QC.
Ipinaliwanag din ni Mayor Joy ang Organic Waste Management at Tarpaulin Upcycling programs. Natalakay din ang 1,000 urban farms, rainwater collections sa mga eskwelahan, Trash to Cashback program, Kuha sa Tingi program, at ang Plastic Ban Ordinance sa lungsod.
Dumalo sa programa sina GIZ Philippines Country Director Immanuel Gebhardt, E2RB Project Principal Advisor Dr. Klaus Schmitt, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman kasama ang mga technical staff ng GIZ Philippines.