Tinalakay ang mahalagang papel ng electric vehicles (EVs) sa pagbawas ng polusyon sa ginanap na Green Transport Technology Forum na pinangunahan ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Division.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng pamahalaang lungsod na magpatupad ng mga hakbang sa pagbabawas ng carbon emissions, mapabuti ang kalidad ng hangin, at isulong ang mas luntiang kinabukasan para sa lahat.

Nakiisa sa programa sina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Ram Medalla, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, DPOS head Elmo San Diego, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.

Dumalo rin ang mga Tricycle Operators and Drivers Association sa QC upang kunin ang kanilang mungkahi ukol sa pagtransition sa electric vehicles.

+31