Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
SA KWENTONG BAYAN, BABAE NAMAN! ![]()
![]()
Daan-daang QCitizens ang nakibahagi sa special staging ng Gregoria Lakambini: A Pinay Pop Musical hatid ng Tanghalang Pilipino katuwang ang Pamahalaang Lungsod Quezon. Ito ay idinaos sa Ateneo De Manila University ngayong Sabado.
Tampok sa pinay pop musical ang buhay ni Gregoria de Jesús na pamilyar sa lengguwahe ng mga Gen Z na puno ng nakatutuwang kwento at nakakaaliw na musika.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa programa sina Tanghalang Pilipino Director Nanding Josef, mga women’s groups, partnered organizations, QC students, at department heads.








