Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakatanggap ng grocery packs ang mahigit 500 jeepney drivers, tricycle drivers, at mga miyembro ng Philippine Association of Self-Employed Drivers (PASED) mula sa FPJ Panday Bayanihan Party-list na kinatawan ni Rep. Brian Poe Llamanzares.
Dumalo rin at nagbigay-suporta sa inisyatibang ito si Coun. Atty. Vincent Belmonte at National Intelligence Coordinating Agency–National Capital Region (NICA-NCR) Regional Director Edsel Batalla.
Layunin ng pamamahagi na magbigay ng karagdagang suporta sa mga PUV driver sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.










