Magkakaroon na ng Kabahagi Center sa Distrito 6!
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar ang groundbreaking ceremony para sa itatayong 4-storey building na Kabahagi Center for Children with Disabilities (CWDs) sa Barangay Sauyo.
Ang apat na palapag na pasilidad ay magkakaroon ng Consultation rooms, Therapy rooms, Doctor’s room, Multi-purpose area, Advocacy Development Room, roof deck at balcony garden.
Kabilang sa mga libreng serbisyong ibinibigay ng Kahabagi Centers ay ang healthcare at livelihood para sa mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya. Kasama na ang disability assessment and diagnosis, Telecoaching Therapy Program, inclusive art class for CWDs, free vocation skills training para sa mga pamilya ng CWDs, group trainings at seminars.