Pabahay para sa QCitizen Teachers!
Sisimulan na ang pagtatayo ng QCitizen Homes Republic Residences sa Barangay Holy Spirit na ilalaan para sa mga magigiting na teaching at non-teaching personnel sa Lungsod Quezon.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, Former President at Senior Deputy Speaker ng House of Representatives Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai, at Vice Mayor Gian Sotto ang nanguna sa groundbreaking ceremony ng housing project ngayong umaga.
Sa ilalim ng proyekto, maglalaan ang lungsod ng isang 12-storey at walong 5-storey residential buildings na ekslusibong pabahay para sa daan-daang pampublikong guro at non-teaching personnel.
Nagkaroon din ng kasunduan ang Lokal na Pamahalaan at Department of Education bilang pagpapatibay ng nasabing proyekto.
Kasama rin ni Mayor Belmonte at Vice President Duterte sa programa sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles, Coun. Dave Valmocina, Coun. Mikey Belmonte, Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose Corpuz, mga department head ng QC Government, mga guro, at konseho ng Barangay Holy Spirit.