Maraming salamat kay Senator Bong Revilla dahil maisasaayos na ang football field ng Amoranto Sports Complex!
Nagsagawa ng groundbreaking ceremony para sa bagong football field ang pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ngayong araw kasama ang Department of Public Works and Highways.
Nakiisa sa seremonya sina Vice Mayor Gian Sotto, District 4 Rep. Marvin Rillo, Action Officer Atty. Zandy Zacate, at DPWH NCR Regional Director Engr. Loreta Malaluan.
Kinumusta rin nina Councilors Egay Yap, Raquel Malangen, Nanette Castelo-Daza, Mari Rodriguez, Vito Sotto Generoso, TJ Calalay, at dating mga konsehal Atty. Vincent Belmonte at Ivy Lagman ang QCitizens na nakisaya sa programa.
Kasabay nito, aabot sa 2,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development.