DAGDAG PROTEKSYON SA MGA KABATAANG QC!
Mas pinaigting ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang proteksyon sa mga kabataang QCitizens laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), Child Sexual Abuse or Exploitation Materials, Online Extremism at Cyber Exploitation sa idinaos na Guardians in the Digital Age Forum na pinangasiwaan ng Diocese of Novaliches sa Christ the King of the Universe Parish.
Dumalo bilang speaker si Mayor Joy Belmonte sa forum kung saan inihayag niya ang mga hakbang ng lungsod upang malabanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Kabilang dito ang pagiging Anti-OSAEC Hub ng lungsod, ang pagkakaroon ng Unified Refferal System para sa mga victims-survivors, ang QC Safe Seal, paglulunsad ng QC Child Care Facility, at ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga Child Protection Advocates.
Kasama sa summit sina Bishop of Novaliches Most Rev. Roberto Gaa, Fr. Ronnie Provido, Fr. Antonio Labiao, Fr. Havery Bagos, Edelina Balena ng Schools Division Office, Emmargel Alcantara mula sa Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking, Chief of Staff Rowena Macatao, District 5 Action Officer William Bawag, mga social workers, teachers, at youth sector.










