Habemus Papam!
QCitizens, may bago nang Santo Papa!
Nahalal bilang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Francis Prevost ng Estados Unidos matapos makuha ang two-thirds ng mga boto ng mga cardinal-elector sa dalawang araw na papal conclave sa Vatican City.
Siya ang papalit sa yumaong si Pope Francis at kikilalanin siya bilang si Pope Leo XIV.
Si Prevost ang kauna-unahang Santo Papa na ipinanganak sa North America.
