Kaisa ng mga kabataan sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap ang Quezon City Government!
Malaki ang gampanin ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon. Dahil dito, sinisikap ng Quezon City Government na matulungan ang bawat batang QCitizen na magtagumpay, at makahanap ng mas maraming learning at education opportunities sa loob at labas ng bansa.
Sa ginanap na HABI: UP Global Mobility and Exchange Fair, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano sinisigurong bukas at accessible ang lahat ng oportunidad para sa mga kabataan.
Available ang mga scholarship at research grants. Mayroon ding Project STRIVE (Science, Technology, and Research in Innovative Ventures) at CENTREX in STEM program na lumilinang sa kakayahan ng mga kabataan sa robotics, science, at mathematics.
May suporta naman para sa mga kabataang lalaban sa kompetisyon abroad, mapa-sports, academics o performing arts.
Ngayong taon, sinimulan na rin ang pakikipagtulungan ng lungsod sa UP Diliman at Hong Kong Polytechnic University na nagbukas ng learning opportunities para sa mahigit 2,000 public school students.










