Sa QC, patuloy ang pagkalinga sa mga QCitizens na may kapansanan.
Namahagi ang Dutch Chamber of Commerce ng 5 units ng Hable One Mobile Assistant na makatutulong sa mga QCitizens na may kapansanan o visually impaired. Ang Hable One Mobile Assistant ay isang uri ng keyboard na maaaring i-connect sa mobile phones o tablet upang mapadali ang paggamit nito. Isa ang QC sa mga napiling lugar sa bansa na mauunang makapagsagawa ng testing gamit ang teknolohiyang ito.
Salamat kina Mr. Eugene Oosthuizen, Dutch Chamber of Commerce at Ms. Nenia Ferrer, head ng Business Development for ASEAN sa paggawad ng mga units ng Hable One Mobile Assistant na tinanggap naman ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Renato Cada, head ng Persons with Disability Affairs Office.
















