QCitizens, tara na’t tikman at tangkilikin ang mga proudly Filipino at QC-made Halal products!

Ngayong araw, pormal nang binuksan ng Quezon City Government at Department of Trade and Industry (DTI) ang Halal-friendly Quezon City Trade Fair sa Risen Garden sa Quezon City Hall compound.

Tampok sa kauna-unahang Halal-friendly trade fair sa lungsod ang iba-ibang produktong Halal certified, mula sa mga damit, cosmetics, hanggang sa mga pagkain at delicacies mula sa mga Muslim community sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano isinusulong ng QC ang isang bukas at inklusibong lungsod para sa mga Muslim tulad ng pagbibigay ng karagdagang puhunan sa kanilang negosyo sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC at paglalapit ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa kanila.

Pinaunlakan din nina DTI Secretary Alfredo Pascual ang pagbubukas ng fair, kasama sina Malaysian Ambassador HE Abdul Malik Melvin Castelino, Indonesian Ambassador HE Agus Widjojo, Pakistan Ambassador HE Dr Imtiaz Kazi, Brunei Ambassador HE Megawati Dato Paduka Haji Manan, at mga kinatawan mula sa bansang Oman, Turkey, Saudi Arabia, at UAE.

Bukas ang Halal-friendly trade fair sa Quezon City Hall Risen Garden hanggang bukas, April 25, 2024 mula 8:00AM hanggang 8:00PM.

+33