Patuloy ang pagboto sa #Halalan2025, QCitizens!
Para mas accessible at convenient ang pagboto ngayong #Halalan2025, itinakda bilang polling precincts ang ilang clubhouse sa mga subdivision sa Quezon City.
Kasama rin sa pagbabantay sa mga lugar na ito ang mga tauhan ng COMELEC at lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na daloy ng halalan at kaligtasan ng mga botante.




