Binigyang-pugay ng Sangguniang Panlungsod si Mayor Joy Belmonte at ang City Treasurer’s Office sa pamumuno ni Mr. Ed Villanueva dahil sa natanggap na Hall of Fame award ng Quezon City. Ito’y bilang Top Performing LGU in Local Revenue Generation na unang iginawad ng Bureau of Local Government Finance ng Department of Finance (DOF) noong Oktubre.

QC ang top performing na lungsod sa Local Revenue Generation sa buong bansa, at mula 2018 hanggang 2021, nanguna rin ang QC sa Local Revenue Generation na naging resulta ng pagkakatanghal nito bilang Hall of Famer.

Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto ang pagkilala kasama ang ilang mga miyembro ng City Council.