Isang makabuluhan at produktibong araw para sa mga kabataang naghahanap ng trabaho, oportunidad, at bagong kaalaman! ![]()
![]()
Umabot sa 862 kabataan at aplikante ang nakiisa sa iba-ibang aktibidad sa isinagawang HanapBuhay HanapFuture: Job and Career Fair 2026.
Sa bilang na ito, 345 aplikante ang dumalo upang makahanap ng oportunidad sa trabaho, habang 289 na aplikante ang na-accommodate para sa Special Program for the Employment of Students (SPES) at Government Internship Program (GIP).
228 young workers naman ang lumahok sa mga learning and development session na naglalayong dagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Nakiisa rin ang 21 partner institutions sa pagbibigay ng impormasyon, serbisyo, at oportunidad para sa kabataan. Sa kabuuan, 501 clients mula sa iba-ibang National Government Agencies (NGAs) at partner institutions ang na-accommodate sa buong aktibidad.
Sa QCPESO, patuloy na binibigyang-daan ang bawat kabataan na magkaroon ng access sa trabaho, skills development, at mga oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.
![]()
HanapBuhay ngayon, HanapFuture para sa kinabukasan!










