Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Serbisyo para sa bawat Pilipino! ![]()
Tampok sa “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” ang iba-ibang serbisyo ng pamahalaan na inilapit sa mga QCitizen sa MICE Center, Quezon City.
Abot-kamay ng mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, mula rice subsidy, pamamahagi ng titulo at livelihood grants, scholarships, PhilHealth YAKAP services, medical mission, job fair, legal assistance, PhilSys application, police clearance, at marami pang iba.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang programa, kung saan nakilahok at nakisaya ang ating mga QCitizens.
Ang Handog ng Pangulo ay bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang handog ng pamahalaan para sa bawat Pilipino.










