Patuloy ang pagpapalakas ng food rescue efforts sa Lungsod Quezon!
Dumalo sa ikalawang batch ng hands-on training ang mga food rescue volunteers at barangay officials mula sa Brgy. Culiat sa pangunguna ni PB. Cristina “Bebang” Bernardino, Brgy. Kamuning sa pamumuno ni Armida F. Castel, Brgy. Batasan Hills, Brgy. UP Campus, at Brgy. Novaliches Proper.
Ginanap ang pagsasanay sa Brgy. Commonwealth noong Nobyembre 26, 2025.
Nakatuon ngayon ang food rescue sa “surplus fruits” bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay sa Reskyusi Food Basket program ng Brgy. Commonwealth.
Ayon kay food security consultant Emmanuel Hugh F. Velasco II, layon nilang magkaroon ng model food rescue food rescue volunteer groups sa bawat distrito upang mapalaganap ang food rescue at feeding sa buong QC.










