Hands-on training para sa Food Rescue Volunteers!
Tinuruan ng Lungsod Quezon, sa tulong ng Office of the City Mayor at Barangay and Community Relations Department (BCRD), ang mga barangay volunteers kung paano magsagawa ng food rescue. Isa itong paraan para mailigtas ang sobrang pagkain at maipamahagi ito sa mga nangangailangan. Bahagi ito ng proyekto upang labanan ang gutom at malnutrisyon.
Sumabak sa training ang unang batch ng volunteers mula Sto. Cristo, Bahay Toro, at Talipapa sa Brgy. Commonwealth noong Nov 19, 2025.
Ang Reskyusi Food Basket na sinimulan ng Youth for Environmental Sustainability Organization (YESO) ay tumutulong laban sa food waste sa pamamagitan ng pagkalap ng surplus food at paglikha ng masustansyang pagkain para sa komunidad. Kasama rin dito ang tamang segregasyon at composting para environment-friendly.
Nagbahagi rin ng tips sina PB Manuel Co, Kgd. Raymart Garcia, Rico Vidal at mga officers ng YESO kung paano nila nahikayat ang mga vendors na makiisa sa proyekto.
Umaasa naman si BCRD Head Ricardo Corpuz na mas dumami pa ang mga volunteers sa food rescue.








